Parak patay sa ambush

Camp Crame – Isang aktibong kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi matapos pagbabarilin ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan habang lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway, Brgy. Banilad, Bacong, Negros Oriental kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Holy Spirit Hospital ang biktimang si SPO2 Leopoldo Elumer dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report, bandang alas-11:30 ng gabi habang bumabagtas sa nasabing lugar ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga salarin. Narekober ng mga nagrespondeng awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments