^

Probinsiya

2 Cafgu na dinukot ng NPA rebels pinalaya na

-
Camp Simeon Ola – Makalipas ang ilang araw na pagkakabihag , pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang miyembro ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na dinukot ng mga ito sa lalawigan ng Albay, ayon sa ulat kahapon.

Ang dalawang pinalayang bihag ay kinilalang sina Allan Madara at Henry Nabor, pawang nakatalaga sa 22nd Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army na nakabase sa Brgy. Taladog, Camalig ng lalawigang ito.

Sinabi ni Brig. Gen. Ramon Santos, Commanding General ng Army’s 901st Brigade, sina Madara at Nabor ay pinawalan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Lourdes Mayon sa bayan ng Daraga dakong alas 10 ng umaga.

Ayon sa salaysay ng dalawang CAFGU, apat na araw silang naglakbay sa kabundukan ng Albay hanggang sa mapilitan ang mga rebelde na pakawalan sila bunsod ng matinding ‘pressure’ sa inilunsad na search and rescue operations ng militar.

Matatandaan na ang dalawang CAFGU ay binihag ng tinatayang may 15 rebelde noong nakalipas na Agosto 24 sa bayan ng Camalig. Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing interogasyon sa kanilang kampo ang dalawang CAFGU. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ALLAN MADARA

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

BRGY

CAMP SIMEON OLA

COMMANDING GENERAL

ED CASULLA

HENRY NABOR

INFANTRY BATTALION

LOURDES MAYON

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with