^

Probinsiya

Pulis tiklo sa illegal drugs at baril na walang lisensiya

-
Camp Crame – Isang pulis ang nasakote ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos itong mahulihan ng droga at mga di lisensiyadong matataas na kalibre ng baril sa lalawigan ng Zambales.

Kinilala ni PDEA Executive Director Undersecretary Anselmo Avenido Jr. ang suspek na si SPO4 Orlino Cadaoas alyas Ka Orling, 55, may-asawa at residente ng Brgy. San Jose, Castillejos, kasapi ng San Antonio Police Station sa lalawigang ito.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga ng madakip si Cadaoas sa Brgy. San Jose, Castillejos matapos i-tip ng isang civilian asset.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang M 16 rifle, isang cal. 5.56 Elisco, isang calico caliber 9mm na pawang walang mga lisensiya at di pa madeterminang dami ng shabu.

Ang suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms. (Ulat ni Angie de la Cruz)

BRGY

CAMP CRAME

CASTILLEJOS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

EXECUTIVE DIRECTOR UNDERSECRETARY ANSELMO AVENIDO JR.

KA ORLING

ORLINO CADAOAS

SAN ANTONIO POLICE STATION

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with