2 negosyante kinidnap
August 22, 2004 | 12:00am
Camp Crame Dalawang magkaibigang negosyante ang dinukot ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa naganap na insidente sa Zamboanga City, kamakalawa.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Edwin Alfonso, 41, at Dennis Bucoy, nasa hustong gulang.
Batay sa ulat, naganap ang pagdukot sa mga biktima habang nag-aayos ang mga ito ng scrap metal na kanilang ibebenta sa kahabaan ng Gov. Camins Ave., Zamboanga City dakong alas 4:20 ng hapon.
Bigla na lamang umanong sumulpot sa lugar ang mga armadong suspek at kinaladkad ang mga biktima pasakay sa kanilang behikulo na tumahak patungo sa Brgy. Tumaga, Zamboanga City.
Pagsapit sa lugar ang mga biktima ay dinala ng mga suspek sa isang bahay at dito iginapos saka pinagbubugbog. Sa kabila ng pananakit ng katawan ay nagawang makatakas ni Bucoy pero naiwan nito ang kaibigang si Alfonso matapos na samantalahin na makalingat ang mga kidnaper.
Nagsuplong sa mga awtoridad si Bucoy at kasunod nito ay ni-raid ang lugar pero nakatakas na ang mga kidnaper tangay ang biktimang si Alfonso.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagdukot sa nasabing negosyante habang naglunsad na rin ng search and rescue operations upang iligtas ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest