^

Probinsiya

5 obrero todas sa road mishap

-
LAGUNA – Limang manggagawa mula sa pabrika ng Laguna Tecknopark sa Biñan ang iniulat na nasawi habang 19 naman ang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang shuttle bus ng mga biktima sa puno ng acasia sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Don Jose, Sta. Rosa, Laguna noong Sabado ng gabi.

Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina: June Marthy Eribe ng Barangay Sto. Domingo, Biñan; Jaypee Ichipari; Carlos Malapitan; Ericson Montanez na pawang residente ng Barangay Balibago, Sta. Rosa, Laguna at ang ikalima na nakilala lamang sa apelyidong Perez.

Nakilala naman ang mga sugatang biktima na sina: Nestor Tatlonghari, Ryan Yason, Teodorico del Mundo, Nestor Dioco, Rizal Caspe, Giovani Sulit, Salvador Mediana, Simeon Garcia Jr., Jair Casco, Roy Deserva, Michael Cabrera, Bernan de Jesus, Julio Sangye, Arnel Buello, Edward Manaligud, Mario Murillo, Aguila Cuescano at Jesmond Sagana.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bumabagtas ang sinasakyang KIA KC2700 na minamaneho ni Sagana sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Don Jose nang biglang mawalan ng kontrol at kumabig sa kanang bahagi ng lansangan.

Dahil sa bilis ng sasakyan ay hindi nakuhang kontrolin ng drayber kaya tuluy-tuloy na sumalpok sa punong acasia.

Tumagal ng dalawang oras bago makuha ang bangkay ng mga biktima dahil sa matinding pagkakaipit ng puno at sasakyan. (Ulat ni Rene Alviar)

AGUILA CUESCANO

ARNEL BUELLO

BARANGAY BALIBAGO

BARANGAY DON JOSE

BARANGAY STO

CARLOS MALAPITAN

EDWARD MANALIGUD

ERICSON MONTANEZ

GIOVANI SULIT

JAIR CASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with