Ginawa ng mga akusado ang pahayag matapos na malathala sa mga pahayagan na sasampahan sila ng kasong kriminal at administratibo sa pagkakasangkot umano sa pangongotong sa isang checkpoint sa lungsod.
Sinabi ni SPO2 Reynaldo Buan, isa sa mga isinabit sa kaso nang parahin niya ang isang truck kamakailan ay basta na lamang inihagis ng driver nito ang P 20 bill.
Lumilitaw naman na ang truck driver ay miyembro naman ng "Honesty Team na inorganisa ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Vidal Querol.
Bunga nito ay nagpositibo sa ultra violet powder test si Buan nang isailalim sa pagsusuri.
Kabilang pa sa mga inakusahan ng pangongotong ay sina P/Insp. Angelito Ramos, team leader; SPO3 Rolando de la Torre, SPO1 Wilfredo Gamueca, SPO1 Francisco Hernandez, PO3 Edgar Castro, PO2 Roberto Simen at PO1 Paulino Valdez, pawang nakatalaga sa Mobile Section ng pulisya.
Magugunita na ang Honesty Team ay inorganisa alinsunod sa kampanya ni Interior and Local Government Secretary Angelo Reyes na linisin ang kapulisan laban sa mga kotong at hulidap na pulis. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)