Madre, 2 pa todas sa sagasa
August 15, 2004 | 12:00am
Balanga City, Bataan Isang 54-anyos na madre at dalawang iba pa ang nasawi makaraang aksidenteng mabangga ng isang cargo truck ang kinalululanan ng mga itong behikulo habang bumabagtas sa kahabaan ng highway ng Brgy. Luacan, Dinalupihan, Bataan nitong nakalipas na Friday the 13th.
Kinilala ni P/Supt. Elmer Macapagal, Bataan Police Director ang mga biktima na sina Sister Mary Williams Quintas; Principal ng St. William High School sa San Marcelino, Zambales; Nora Valdez, 35, empleyado ng eskuwelahan at Joel Evangelista, 34, ng #79 Corpuz St., Brgy. La paz; pawang sa naturang munisipalidad.
Nakilala naman ang grabeng nasugatan na si Ally Mosqueso, truck helper ng Brgy. Bayanan, Bacoor, Cavite na ngayoy kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Jose Payumo Memorial District Hospital sa bayan ng Dinalupihan,
Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga biktima ay kasalukuyang lulan ng kanilang L -300 van na may plakang WKK-578 na minamaneho ni Evangelista patungong Maynila nang masalpok ito ng humahagibis na Isuzu elf truck na may plaka namang RBL-660 na minamaneho naman ni Samuel Hapin na magde-deliver naman ng mga kargamento sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) .
Tumakas naman ang driver ng Isuzu elf truck na si Hapin at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad. (Ulat ni Raffy Viray)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
21 hours ago
Recommended