^

Probinsiya

Killer ng RTC judge tukoy na

-
LA TRINIDAD, Benguet – Dalawa sa tatlong kalalakihan na pumatay kay Judge Milnar Lammawin noong Lunes ng gabi ay hinubaran ng maskara ng mga awtoridad.

Positibong kinilala ng Task Force Lummawin ang mga suspek na sina: Peter Lingbaoan at Ulysses Signabon na kapwa responsable sa pagkakapaslang sa biktima noong Lunes ng gabi sa Barangay Dagupan, Tabuk, Kalinga.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ulo at leeg ang biktima at idineklarang patay sa Almora General Hospital, ayon sa pulisya.

Sinabi ni P/Senior Supt. Eugene Martin, Cordillera police deputy regional director, ang mga suspek ay nakilala matapos na marekober ang ginamit na light maroon Ford Tamaraw na may plakang BBD-388.

Ayon sa pulisya, bandang alas-10 ng umaga kamakalawa nang maispatan ng mga kagawad ng pulisya ang sasakyan ng mga suspek may 30 metro ang layo mula sa bahay ng isang nagngangalang Martin Wandag sa Balacang District, Magsaysay, Tabuk, Kalinga.

Lumilitaw na paghihiganti ang motibo ng krimen matapos na mapatay ang dating drayber ni Mayor Camilo Lammawin na si Lingbaoan sa loob ng kotse may ilang buwan na ang nakalilipas.

Si Judge Lammawin ay utol ni Mayor Camilo at mula sa tribong Guilayon-Magnao, samantalang si Lingbaoan naman ay mula sa tribong Maducayan.

May teorya ang pulisya na ipinaghiganti ang pagkakapatay kay Lingbaoan ng tribong Maducayan na magreresulta sa benggahan ng magkabilang tribo. (Ulat nina Artemio Dumlao at Myd Supnad)

ALMORA GENERAL HOSPITAL

ARTEMIO DUMLAO

BALACANG DISTRICT

BARANGAY DAGUPAN

EUGENE MARTIN

FORD TAMARAW

JUDGE MILNAR LAMMAWIN

KALINGA

LINGBAOAN

MADUCAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with