Idineklarang patay sa Almora General Hospital ang biktimang si Judge Milnar Lammawin ng Tabuk Regional Trial Court.
Si Judge Lammawin ay tinamaan ng bala ng kailbre .45 baril sa ulo at leeg kaya hindi na umabot ng buhay sa nasabing pagamutan.
Hindi naman nasugatan ang asawang si Venus na kanyang kasama sa kotse nang pagbabarilin ang biktima.
Si Venus ay kasalukuyang presidente ng Kalinga State College.
Matapos ang krimen ay agad na tumakas ng mga killer sakay ng Ford Fiera van na walang plaka at inilarawan na may taas na 56" at 54".
Base sa ulat, kalimitang bumibili ng tinapay ang biktima sa panaderia na pag-aari ni Shirley Omegan Gamon bago umuwi ng kanilang bahay mula sa pinapasukang korte.
Sa pagkakataong ito ay naiwan si Venus sa kanilang kotse at ang bumili ng tinapay ay ang biktima at habang pabalik sa sasakyan ay inupakan ng dalawang armadong lalaki.
Pinalalagay ni P/Chief Supt. Eugene Martin, na minonitor ng mga killer ang galaw ng biktima bago isagawa ang krimen.
Sinisilip ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho ng hukom ang naganap na krimen, subalit ayon sa impormasyon ng pulisya, posibleng may kinalaman sa pinatay na dating drayber ni Mayor Camilo Lammawin, nakababatang utol ng biktima.
Napag-alaman sa record ng pulisya, na si Lammawin ay ikalawang hukom sa Cordillera ang napapaslang.
Unang pinatay si Judge Pinera Biden ng apat na armadong kalalakihan habang ang biktima ay nakatayo sa harapan ng kanyang bahay sa bayan ng Conner, Apayao noong May 17, 2003.
Nadakip naman ang mga suspek, subalit ang kaso ay nanatiling dinidinig sa korte. (Ulat nina Artemio Dumlao at Joy Cantos)