Empleyado natodas sa kuryente

PANGASINAN – Isang 33-anyos na empleyado ng merchandising craft agency ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang nagkakabit ng streamer sa Barangay Batakil, Pozurrubio noong Martes ng umaga. Hindi na umabot pa ng buhay sa Pozorrubio Community Hospital ang biktimang si Jofe Soriano ng Barangay Nancamaliran, Urdaneta City matapos na makuryente at bumagsak mula sa tinutuntungang hagdan. Base sa ulat, bandang alas-10:39 ng umaga ng aksidenteng napahawak ang biktima sa talop na linya ng kuryente sa poste. Walang malay na bumagsak ang biktima sa sementong kalsada kaya agad na isinugod sa naturang ospital, subalit idineklarang patay. (Ulat ni Eva Visperas)

Show comments