Sa ulat ng pulisya, naitala ang panloloob sa Zambales Bank bandang alas-10 ng gabi matapos na butasin ang bubungan at nagtuloy sa kinaroroonan ng malaking halaga.
Ginamitan ng acetylene kaya nabuksan ang vault ng bangko at nilimas ang P715, 386 at mahahalagang dokumento, ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya.
Sa impormasyong nakalap at paglalarawan sa mga maninikwat ay nakilala ni P/Supt Bonifacio Cacho, dating opisyal ng Bataan PNP, ang mga suspek na sina: Robert Paasa, Mando Mariacos at ang leader na si Eugene Pespes, na pawang naninirahan sa Baguio City.
Matatandaan na unang pinasok ng nasabing grupo ang Orani Rural Bank noong Mayo 23, 2004 tangay ang P.5-milyon at isang linggo pa lamang ang lumipas ay pinasok naman ang Bataan Development Bank na nakatangay ng P2.3-milyon. (Ulat ni Jonie Capalaran)