^

Probinsiya

2 bata todas sa gumuhong lupa

-
CAMP AGUINALDO – Maagang kinalawit ni kamatayan ang dalawang bata, samantalang apat naman ang nasugatan makaraang matabunan ng buhay ang mga biktima mula sa gumuhong lupain sa mataas na bahagi ng Mati, Davao Oriental kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na si Alijun Lao, 6, at Lea Balante, 7, na kapwa naninirahan sa Purok Marilog, Limatoc St. Barangay Central ng nabanggit na munisipalidad.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Office of the Civil Defense, ang mga biktima ay magkakasamang naglalaro malapit sa ipinatatayong bahay ni Doray Floremonte sa Barangay Limatoc.

Bandang ala-1:40 ng hapon nang biglang makarinig ng malakas na dagundong sa itaas na bahagi ng naturang lugar.

Walang nagawa ang mga bata para umiwas sa gumuhong lupa kaya nalibing ng buhay, subalit agad namang nagsagawa ng rescue operations ang mga nakasaksi.

Napag-alaman pa sa ulat na ilang oras na bago nakuha ang mga biktima, subalit ang dalawa ay hindi na umabot pa ng buhay sa Davao Provincial Hospital. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALIJUN LAO

BARANGAY LIMATOC

DAVAO ORIENTAL

DAVAO PROVINCIAL HOSPITAL

DORAY FLOREMONTE

JOY CANTOS

LEA BALANTE

LIMATOC ST. BARANGAY CENTRAL

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE

PUROK MARILOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with