P2.8-M shabu nasamsam sa pasahero
July 30, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Umaabot sa dalawang kilo na shabu na nagkakahalaga ng P2.8 milyon ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang notoryus na drug courier habang pababa ng barko sa pantalan ng Cebu City kamakalawa ng hapon.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng 7th Regional Maritime Office ang suspek na si Willy Solon, 32, binata at residente ng #9 C. Borces St., Mabolo ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay P/Chief Supt. Ricardo Dapat, director ng PNP-Maritime Group, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan sa Cebu City na may malaking bulto ng droga ang ipupuslit ng pasahero sakay ng barkong M/V Princess of the Universe ng Sulpicio Lines, Inc. buhat sa Maynila.
Dumadaong pa lamang ang nasabing barko ay pumuwesto na ang mga awotoridad sa paligid ng naturang pantalan.
Bandang alas-2 ng hapon nang magsagawa ng inspeksyon sa mga bumababang pasahero ng barko sa Pier 5 at namataan ang suspek na may kahina-hinalang ikinikilos kaya sinita ang bitbit na bag.
Hindi na nakapalag pa ang suspek matapos na makorner at makumpiskahan ng 2 kilo na shabu na nakasilid sa malalaking plastik pak.
Hindi naman nabatid kung papaano nakapuslit ang droga mula sa Maynila kahit na mahigpit ang seguridad na ipinatutupad. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest