4 rebelde dedo sa engkuwentro

CAMP AGUINALDO – Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong nasawi makaraang maharang ng tropa ng militar ang pag-atake ng mga rebelde na lumusob sa kampo na sakop ng Columbio, Sultan Kudarat kamakalawa. Kasalukuyan pang bineberipika ang mga pangalan ng nasawing rebelde na pininiwalaang tauhan ni Ka Al. Sugatan naman si Capt. Lowen Gil Marquez ng Army’s 14th Infantry Battalion at mga sibilyang sina: Ismael Guerrero, Bobby Tolentino, Balong Tolentino at Susing Mangilay na pawang naninirahan sa Lambayong, Sultan Kudarat. Base sa ulat, sinalakay ng mga rebelde ang naturang kampo ng militar, subalit nakahanda naman ang mga kawal kaya nasorpresa ang NPA sa pag-aakalang marami ang malalagas sa panig ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments