^

Probinsiya

2 katao nasamsaman ng mga pampasabog

-
CAVITE – Dalawa-katao kabilang na ang barangay kagawad ang iniulat na dinakip ng mga operatiba ng pulisya makaraang masamsaman ng mga pampasabog sa sinalakay na tatlong bahay sa Barangay 4, Julugan, Tanza, Cavite kahapon.

Kasalukuyang nakapiit sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite ang mga suspek na sina: Barangay Kagawad Bernard Donesa, 39 at Zosimo Gones, 59, na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.

Kabilang sa nakumpiska na ibinebenta ng mga suspek ay 42 piraso ng dinamita na nakalagay sa botelya, 800 pirasong blasting caps na may safety fuses, 850 pirasong double blasting caps na may safety fuses, 1, 200 safety fuses, 675 ignition wire; at 5,000 pirasong blasting caps na nakalagay sa sako.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, na ang mga ibinebentang pampasabog ay ginagamit sa bawal na pangingisda sa Manila Bay, Lubang Island at Palawan.

Ayon kay P/Senior Inspector Salvador Laurel, hepe ng Anti-Illegal Special Operation Task Force, ang pagsalakay sa bahay ng mga suspek ay matapos na bumili ng apat na botelyang pampasabog, safety fuses at blasting caps ang dalawang pulis na nagpanggap na sibilyan.

Makaraang magpositibo sa laboratoryo ang mga biniling pampasabog ay sinalakay ang mga bahay ng suspek. (Ulat ni Rene M. Alviar)

vuukle comment

ANTI-ILLEGAL SPECIAL OPERATION TASK FORCE

BARANGAY KAGAWAD BERNARD DONESA

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

LUBANG ISLAND

MANILA BAY

RENE M

SENIOR INSPECTOR SALVADOR LAUREL

ZOSIMO GONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with