12 bahay winasak ng buhawi

PAMPANGA – Umaabot sa 102-sibilyan ang naapektuhan ng buhawi makaraang manalasa sa anim na barangay na nagresulta sa pagkawasak ng 12 kabahayan sa bayan ng Masantol, Pampanga kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Pampanga Provincial Disaster Coordinating Council (PPDCC), kabilang sa naapektuhang barangay ay ang Alauli, Bebe Anac, Matua, Sta. Monica, Sta Cruz at Lucia Wakas na pawang sakop ng nasabing bayan. Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan matapos na manalasa ang buhawi. (Ulat ni Resty Salvador)

Show comments