20 rebelde sumuko

Camp Crame – Lumolobo na ang bangkay ng isang pari matapos itong malunod nang tangayin ng malakas na agos na natagpuan sa isang ilog sa Damacan, Cebu, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Fr. Antonio Damalerio, kura paroko sa nasabing bayan.

Sa report, naitala ang sakuna kamakalawa ng gabi habang tumatawid ang pari sa Damacan River sakay ng multicab kasama ang kaniyang sekretarya at isang sakristan.

Nabatid na kagagaling lamang ng pari sa isang pagpupulong sa mga residente ng Brgy. Canao-Canao at kasalukuyang pauwi na nang di mamalayan ang malakas na agos na tumangay sa kanilang sinasakyan.

Nagawa namang makaligtas ng dalawang kasama ng pari subali’t sinawimpalad ang huli matapos na parang bulang maglaho sa nasabing ilog. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments