^

Probinsiya

Basketbolista tinumba sa rambol

-
CAMP CRAME Isang 28-anyos na basketbolista ang kumpirmadong namatay habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nito makaraang saksakin ng kalabang grupo sa naganap na rambulan kamakalawa sa Upper Mabini Street, Baguio City. Idineklarang patay sa Sacred Heart Hospital si Ryan Tan Ancheta ng #24 Upper Quirino, Magsaysay Subdivision. Inoobserbahan naman si Joel Escobar Bona, 31 matapos na masaksak ng suspek na si Juanito Rojo Bati Jr., 29, ng San Pablo, Laguna. Base sa ulat, katatapos pa lamang ng laro nang maghamon ng suntukan ang grupo ng suspek hanggang sa mauwi sa rambulan. Makaraan ang matinding gulo ay duguang bumulagta ang dalawa dahil sa tinamong saksak ng patalim sa suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal. (Ulat ni Joy Cantos)

BAGUIO CITY

IDINEKLARANG

JOEL ESCOBAR BONA

JOY CANTOS

JUANITO ROJO BATI JR.

MAGSAYSAY SUBDIVISION

RYAN TAN ANCHETA

SACRED HEART HOSPITAL

SAN PABLO

UPPER MABINI STREET

UPPER QUIRINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with