5 kriminal sumuko sa militar
July 11, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Limang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng notoryus na elementong kriminal ang sumuko sa mga operatiba ng militar sa Sta. Cruz, Davao del Sur kamakalawa.
Kinilala ang mga ito na sina: Yoyoy Tata, Jessie Endalas, Momoy Basiao, Florencio Basiao at Romy Matinggi na pawang residente ng Sitio Lamkong Brgy. Alegado, Gian, Sarangani.
Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Efren Abu, ang limang suspek ay sumuko sa himpilan ng Armys 25th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Sitio Cogon, Tuban, Sta. Cruz ng nabanggit na lalawigan.
Isinuko rin ang kanilang mga armas kay 25th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Hernando Iriberri na kinabibilangan ng dalawang garand rifles, carbine rifle, homemade shotgun at granada.
Nabatid na ang mga suspek ay aktibong nag-ooperate sa Sarangani at mga karatig bayan.
Sa inisyal na interogasyon, sinabi ng mga suspek na sumuko sila sa batas upang landasin na ang pagbabagumbuhay alang-alang sa kanilang mga pamilya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest