^

Probinsiya

Ex-councilor todas sa ambush

-
ZAMBOANGA CITY – Tinambangan at napatay ang dating konsehal ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Bato-Bato, Tuburan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Badiriya Ding Aman, katatapos pa lamang ng ikatlong termino bilang konsehal ng Lamitan.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay bumisita sa kanyang bukirin sa nabanggit na barangay noong Huwebes ng hapon.

Palabas pa lamang sa binisitang bukirin at papauwi na ay biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at duguang bumulagta na ang biktima.

Nakuha pang isugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima, subalit hindi na umabot pa ng buhay.

May teorya naman ang pulisya sa bayan ng Lamitan na ang pamamaslang ay may kaugnayan sa pinag-aawayang lupain, subalit hindi isinasaisantabi ang iba pang anggulo. (Ulat ni RDP)

vuukle comment

BADIRIYA DING AMAN

BARANGAY BATO-BATO

HUWEBES

KINILALA

LAMITAN

NAKUHA

PALABAS

TINAMBANGAN

TUBURAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with