Sanggol itinapon sa basurahan

RIZAL – Bangkay na nang matagpuan ang bagong silang na sanggol na lalaki sa tambakan ng basurahan na sakop ng Barangay Sto. Niño, Cainta, Rizal kahapon ng umaga. Nakabalot pa ng puting damit ang bagong panganak na sanggol na hindi pa naalis ang pusod nito nang makalkal sa basurahan ni Alejandro Cruz sa CICG Compound ng nabanggit na barangay. Posibleng biktima ng maitim na balak ang nagluwal sa sanggol kaya itinapon na lamang sa basurahan. May teorya ang pulisya na mga magulang ng sanggol ay naninirahan lamang sa bahagi ng Block 7, Kabisig Floodway, Barangay San Andres. Kaagad naman pinabendisyunan sa pari ang bangkay ng sanggol saka inilibing sa Cainta Municipal Cemetery. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments