Barangay chairman nilikida
July 7, 2004 | 12:00am
CAVITE Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 52-anyos na barangay chairman ng nag-iisang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagpapahinga kamakalawa ng gabi sa Barangay Pinagsanjan, Maragondon, Cavite. Tatlong tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Rizalito Cocha ng nabanggit na barangay. May teorya ang pulisya na matinding kaalitan ang pumaslang sa biktima. Kasalukuyang sinisilip ng mga imbestigador ang ilang anggulo sa naganap na krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am