^

Probinsiya

7 katao dinakip ng NBI

-
Pitong sibilyan kabilang na ang isang Hapones ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang salakayin ang dalawang beach resort pinaniniwalaang sex den na nagresulta sa pagkakaligtas ng 70 menor-de-edad na babae kamakalawa ng hapon sa Barangay Pansol, Los Baños, Laguna.

Kasalukuyang nakapiit sa NBI detention cell ang mga suspek na sina: Noritaka Ota, alyas, Tony, 67; Abigail Capili, 36, kapwa residente ng Park Avenue, Pasay City; Elizabeth Ulanday, 44; Annaliza dela Cruz, 34, ng Barangay Bulihan, Silang, Cavite; Butch Manucon, 44; Roberto de Joya, 53; ng Maypajo, Caloocan City at Mary Ann delos Santos, 27, ng Malate, Maynila.

Ayon sa ulat, ang ginawang pagsalakay sa magkahiwalay na beach resort na Rosemarie at Navarro sa Miramonte Village ng nabanggit na barangay ay bunsod ng reklamo ng isang Dutch national na si Christian J.J. Kerremans ng SOS Child-Care Foundation.

Base sa ulat ng NBI, ginagawang prostitution den ang dalawang beach resort na ang ibinubugaw sa mga dayuhan ay pawang menor-de-edad na may edad na pito hanggang 16-anyos.

Gumagawa rin ng malalaswang pelikula na pawang menor-edad ang makikitang nakikipagtalik sa utos na rin ng grupo ng sindikato bago ipinapasok sa Internet. (Ulat nina Danilo Garcia at Ed Amoroso)

ABIGAIL CAPILI

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY PANSOL

BUTCH MANUCON

CALOOCAN CITY

CHILD-CARE FOUNDATION

CHRISTIAN J

DANILO GARCIA

ED AMOROSO

ELIZABETH ULANDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with