Nanalong mayor pinigil makaupo

BULACAN – Pinigil ng mababang korte ang pag-upo sa puwesto ng bagong halal na alkalde ng Bocaue makaraang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) dahil sa inihaing reklamo ni Jonjon Villanueva, natalong kandidato bilang alkalde. Ang pagkapanalo ni Serafin dela Cruz bilang mayor ng Bocaue ay kinuwestiyon ni Villanueva kaya nagsampa ng reklamo sa korte hanggang sa magpalabas ng kautusan si Judge Wilfredo Nieves ng Malolos Regional Trial Court Branch 84, na pansamantalang hindi makakaupo ng 20-araw si Dela Cruz bilang alkalde at para bigyan ng pagkakataon ang dalawang panig na magbigay ng katwiran. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments