Pinangunahan nina: Vice-Governor elect Benjamin Alonzo, pitong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan mula sa district 1 at 2; Mariveles Mayor Angel Peliglorio at 8 Sangguniang Bayan Members; Balanga City Mayor Melanio Banzon at 10 Sangguniang Panlunsod; at miyembro ng Sangguniang Bayan sa bayan ng Pilar at Samal na pawang partido NPC.
Pinanumpa nina: Judge Benjamin Viazon, Judge Remegio Escalada at Judge Fernando ng Bataan Regional Trial Court Branch 3 at 5 ang lahat ng mga nanalong kandidato ng NPC.
Samantala, nanumpa rin sa tungkulin sina Bataan Governor Enrique Garcia, Congressman Albert Garcia, anak ni Gob. Garcia, 3 board member at 4 na alkalde na kaalyado ni Garcia sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan nina dating Governor Leonardo Roman, dating Vice Gov. Rogelio Roque, Limay Mayor Nelson David; Dinalupihan Mayor Joel Payumo; Hermosa Mayor Efren Cruz; Orani Mayor Efren Pascual Jr. at Vice Mayor Benjie Serrano; Abucay Mayor Liberato Santiago at Samal Mayor Teody Albelda.
Bago nagtapos ang programa, sinabi ni dating Gobernor Roman na "hindi dito nagtatapos ang aking tungkulin sa Bataan at maaari pa rin lapitan at hingan ng tulong lalot sa pakinabangan at kaunlaran ng bayan." (Ulat ni Jonie Capalaran)