^

Probinsiya

Notoryus na holdaper laglag sa pulis

-
TARLAC CITY – Isa sa kasapi ng notoryus na Mapatac’s group na pinamumunuan ng dating Army Scout Ranger ang nasakote ng mga kagawad ng pulisya makaraang salakayin ang kanyang kuta sa Sitio Paldakan, Barangay Armenia, Tarlac City kamakalawa.

Ayon kay Superintendent Tito Bayangos, police chief ng lungsod na ito, hindi na nakapalag pa ang suspek na si Jeffrey Salenga matapos na makorner sa kanyang pinagkukutaan sa nabanggit na barangay.

Sinabi ni Bayangos na si Salenga ay nakumpiskahan ng ’di lisensyadong baril ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Judge Bitty Viliran ng Regional Trial Court Branch 65.

Ipinahayag ni Bayangos na si Salenga ay malapit na alalay ni Romeo Mapatac, lider ng notoryus na holdap gang na kumikilos sa Central Luzon partikular sa Metro Manila. Isinasangkot din si Salenga sa asasinasyon ni PO4 Orañes noong 1990s.

Si Romeo Mapatac na dating Army Scout Ranger ay nadismis sa serbisyo matapos na masangkot sa iba’t ibang kasong kriminal habang nakatalaga sa Mindanao.

Positibo naman kinilala si Salenga ng kanyang dalawang biktimang negosyante sa Plaza Luisita Complex ng Hacienda Luisita.

Sa pagkakasakote ni Salenga ay posibleng mapadali ang pagdakip sa kanilang lider at iba pang kasamahang sangkot sa highway robbery, gun-for-hire, carnapping at illegal gambling. (Ulat ni BV)

ARMY SCOUT RANGER

BARANGAY ARMENIA

BAYANGOS

CENTRAL LUZON

HACIENDA LUISITA

JEFFREY SALENGA

JUDGE BITTY VILIRAN

METRO MANILA

PLAZA LUISITA COMPLEX

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SALENGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with