^

Probinsiya

PNP sa Samar inalerto sa NPA rebs

-
PALO, Leyte – Inalerto ng PNP regional office ang apat na himpilan ng pulisya sa Samar na posibleng lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army anumang araw simula ngayon.

Base sa nakalap na ulat ng pulisya, kabilang sa pinupuntiryang lusubin ng mga rebelde ay ang himpilan ng pulisya sa munisipalidad ng Villareal at Pinabacdao na pawang nasa Samar.

Kasama rin sa listahan ng NPA na balak na atakihin ay ang himpilan ng pulisya sa bayan ang Jipapad at Maslog sa Eastern Samar.

Ayon pa sa intelligence report, ang grupo ng Samar Front Committee I ng NPA rebels ay nagpapalakas ng puwersa para atakihin ang kapulisan sa Pinabacdao at Villareal habang ang Northeast Front I Committee ay magsasagawa nang biglaang pagsalakay sa mga bayan ng Jipapad at Maslog.

Dahil sa mga nakalap na ulat tungkol sa pag-atake ng NPA sa mga nasabing bayan ay ipinag-utos ng deputy regional director for operations ng PNP-8 na lalong pag-ibayuhin ang pagbabantay sa mga nabanggit na himpilan ng pulisya partikular na sa mga kampo at itaas sa 24-hour red alert status.

Samantala, sinabi kahapon ni Maj. Gen. Glenn Rabonza commanding officer ng 8th ID na nakabase sa Camp Lukban, Gatbalogan Samar, nakasagupa ng mga kawal ng 14th IB ang mga rebeldeng NPA malapit sa San Roque-Tugas Complex sa Maslog, Eastern Samar.

Ang nasabing engkuwentro ay ikinasawi ni Cpl. Elias Solayao. (Ulat ni MGD)

CAMP LUKBAN

EASTERN SAMAR

ELIAS SOLAYAO

GATBALOGAN SAMAR

GLENN RABONZA

JIPAPAD

MASLOG

NEW PEOPLE

NORTHEAST FRONT I COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with