P808-M droga sinunog sa Cavite
June 23, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Umaabot sa kabuuang P808 milyong ipinagbabawal na droga ang sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang ceremonial burning sa Trece Martires City, Cavite kahapon ng umaga.
Ayon kay PDEA Executive Director Undersecretary Anselmo Avenido Jr., ang pagsunog ng nasabing droga ay ikawalo na simula ng itatag ang PDEA noong 2002.
Dakong alas-10 ng umaga nang sunugin ng PDEA ang 403,412.790 gramo ng shabu na nasamsam ng kanilang mga tauhan at karagdagang 364,057.00 gramo naman mula sa PNP-Crime Laboratory o kabuuang P806,825,580.00 milyon sa Integrated Waste Management Facility sa Brgy. Agudo, Trece Martires City.
Kabilang din sa sinunog ay ang 6,967.21 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,392,422.20 milyon.
Maliban kay Avenido, dumalo rin sa ceremonial burning ang mga kinatawan ng Dangerous Drugs Board, Congressional Oversight Committee at mga lokal na opisyal ng Trece Martires City.
Sinabi ni Avenido na mula sa nakumpiskang mga illegal na droga ay nakasuhan naman ang 199 katao.
Magugunita na simula nang maitatag ang PDEA noong 2002 ay umaabot na sa kabuuang P5.5 bilyong halaga ng illegal na droga ang winasak ng mga awtoridad na nagresulta rin sa pagkakadakip ng 2,742 katao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest