^

Probinsiya

Killer ng judge kinilala na

-
TANAUAN CITY, Batangas – May posibilidad na maagang mareresolba ng mga awtoridad ang pagkakapatay kay Executive Judge Voltaire Rosales noong Huwebes ng umaga makaraang kilalanin ng mga testigo ang gunmen.

Sinabi ni Senior Superintendent Rodolfo Magtibay, Batangas police director, positibong inilarawan ng dalawang testigo ang pagkikilanlan ng dalawang suspek na umambus at nakapatay kay Judge Rosales.

Si Executive Judge Rosales ng RTC Branch 83 ay tinambangan at napatay noong Huwebes ng umaga habang papauwi sa Dasmariñas, Makati City. Minamaneho ni Rosales ang Pajero at pagsapit sa panulukan ng Gonzales at Platon Street sa Barangay 2 ay hinarang na siya ng dalawang nakamotorsiklong killer na nagsagawa ng ambush.

Inilabas na kahapon sa mga mamamahayag ni Magtibay ang cartographic sketches ng gunmen base na rin sa pagsasalarawan ng dalawang testigo na hindi binanggit ang pagkikilanlan.

Base sa deskripsyon ng testigo, ang unang killer ay may edad na 35, may taas na 5’6, tumitimbang ng 140 lbs. at nakasout ng itim na jacket. Ang ikalawa ay may edad na 37-anyos, may taas na 5’7 at tumitimbang ng 130 lbs at naka-itim din na jacket at camouflage pants.

Ang dalawang killer, ayon sa testigo ay may 100 metro lamang ang layo mula sa Tanauan City Hall of Justice sakay ng itim na motorsiklo at L-300 van at inaabangan ang paglabas ni Judge Rosales.

Sa pahayag naman ni Chief Inspector Florendo Saligao, ang naibigay na impormasyon ng mga testigo ay maagang mareresolba ang naturang kaso.

Ayon pa Saligao, nagpadala na ng karagdagang tauhan ang National Bureau of Investigation (NBI) at ahensya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para makatulong ng pulisya. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BATANGAS

CHIEF INSPECTOR FLORENDO SALIGAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EXECUTIVE JUDGE VOLTAIRE ROSALES

HUWEBES

JUDGE ROSALES

MAKATI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PLATON STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with