Police chief kritikal sa ambush

CAMP CRAME – Matapos paslangin ang hepe ng pulisya sa Angat, Bulacan ay muli na namang naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang tambangan at malubhang nasugatan ang hepe ng pulisya sa bayan ng Malapatan sa kahabaan ng Barangay Sto. Niño, Malapatan, Saranggani kamakalawa ng gabi. Nasa kritikal na kondisyon sa Elizabeth General Hospital ang biktimang si P/Chief Insp. Allan Canuto, matapos na magtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Base sa ulat, lulan ng sasakyan ang biktima nang tambangan ng mga armadong rebelde sa nabanggit na barangay. May teorya ang pulisya na pinupuntirya ng maka-kaliwang grupo ang mga opisyal ng kapulisan sa buong kapuluan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments