Magsasaka dinukot,pinatay ng NPA
June 6, 2004 | 12:00am
Camp Simeon Ola Isang 30-anyos na magsasaka ang iniulat na dinukot at brutal na pinaslang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang natagpuang naagnas ang bangkay sa Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Diosdado Portilo, may- asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Kawayanan ng naturang bayan.
Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay dinukot ng mga rebelde noong nakalipas na Marso 30 na nakacamouflage uniform matapos na puwersahang pasukin ang tahanan nito.
Nabatid na ang naagnas na bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas 5 ng hapon sa Sitio Tipon-Tipon, Brgy. Bulao Balite sa bayan ng Tinambac.
Positibo namang kinilala ng kaniyang asawa ang bangkay ng biktima sa pamamagitan ng T-shirt, short at brief na siyang suot nito ng araw na bihagin ng mga rebelde.
Pinaniniwalaan namang ang biktima ay napagkamalan ng mga rebelde na asset ng militar kaya pinaslang. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest