^

Probinsiya

Malawakang kilos protesta ilulunsad

-
LINGAYEN, Pangasinan – Umalagwa ang ulat tungkol sa ilang maimpluwesyang tao sa Pangasinan ang nakipag-alyansa na sa Oposisyon at nagre-recruit ng mga tao na babayaran ng P5,000 upang lumahok sa isasagawang malawakang kilos-protesta sa Batasan Pambansa sa Quezon City sa darating na Sabado, June 12, 2004.

Base sa ipinaabot na ulat ng mga konsernadong mamamayan kay Police Senior Superintendent Mario Sandiego, provincial director, ang grupo na kilalang kaalyado ng Fernando Poe Jr. for President Movement ay nagsisimulang pag-ipun-ipunin ang mga tao para humanda sa malaking kilos-protesta upang ipahiwatig ang saloobin sa naganap na eleksyon. Pinakilos na ni Sandiego ang kanyang mga tauhan upang beripikahin ang kumakalat na ulat sa kanilang nasasakupang lugar.

Ayon pa sa kumakalat na ulat, bawat lumahok sa kilos-protesta ay babayaran ng P1,000 mula Urdaneta City hanggang Tarlac at karagdagang P1,000 kapag nagpatuloy hanggang North Luzon Expressway.

Panibagong P1,000 kapag nagtuloy sa Monumento ni Bonifacio at P2,000 naman kapag tumulak patungo sa Batasan Complex. Walang limitasyon ang pagkain sa sinumang lalahok sa kilos-protesta.

Maging ang nanalong alkalde sa ikatlong distrito ng Pangasinan ay nakatanggap ng nasabing ulat at karamihang lalahok ay mula sa Malasique, San Carlos City at Urdaneta City. (Ulat ni Eva Visperas)

BATASAN COMPLEX

BATASAN PAMBANSA

EVA VISPERAS

FERNANDO POE JR.

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PANGASINAN

POLICE SENIOR SUPERINTENDENT MARIO SANDIEGO

PRESIDENT MOVEMENT

QUEZON CITY

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with