^

Probinsiya

2 brodkaster kinasuhan ng rape

-
Dalawang lokal na brodkaster ang kinasuhan ng rape ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang ireklamo ng dalawang estudyante ng kolehiyo na sumasailalim sa practicum sa Dagupan City, Pangasinan.

Hinihintay na lamang ng mga tauhan ng NBI na mailabas ang warant of arrest ng Dagupan City Regional Trial Court para dakpin ang dalawang suspek na sina Alan Sison at Rannie Manaois na kapwa brodkaster ng dzRH -Dagupan.

Sa pahayag naman ng mga opisyal ng nasabing estasyon ng radyo na sinibak na nila sa trabaho ang dalawang nasabing brodkaster na inireklamo ng panghahalay.

Base sa record ng NBI, lumalabas na ipinasok ng suspek na si Sison ang minamanehong traysikel sa garahe ng Gelymar Inn sa Perez Blvd, Dagupan City habang sakay ang biktimang 23-anyos na itinago sa pangalang Gina.

Ayon sa biktima, hindi siya sinundo ng kanyang pinsan kaya pumayag siyang magpahatid kay Sison.

Sa halip na dalhin ang biktima sa restaurant upang kumain, ipinasok ng suspek ang sasakyan sa loob ng motel at puwersahang naisagawa ang maitim na balak.

Katulad din ng biktimang isang 22-anyos na itinago sa pangalang Ann na inimbitahan naman siya ni Manaois na sumama sa isang birthday party sa bayan ng Pozorrubio noong Pebrero 27, 2004.

Napag-alaman pa sa ulat, na nilasing ni Manaois ang biktima bago dinala sa isang motel sakay ng service vehicle ng radio station sa may Bonuan Binloc, Dagupan City at isinagawa ang panghahalay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALAN SISON

BONUAN BINLOC

DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

DANILO GARCIA

GELYMAR INN

MANAOIS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEREZ BLVD

RANNIE MANAOIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with