Hold departure order laban sa Aleman na nag-masaker
May 21, 2004 | 12:00am
Hihilingin ng Philippine National Police (PNP) sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) na magpalabas ng hold-departure-order (HDO) laban sa isang Aleman na kabilang sa limang pangunahing suspek sa karumal-dumal na Boracay massacre na ikinasawi ng tatlong dayuhan at isang katulong na Pinay mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas.
Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt. Joel Goltiao, anumang oras ay handa na nilang dakpin ang German national na si Uwe Friezel at hinihintay na lamang nila ay ang maipalabas ang warrant of arrest laban dito.
Maliban kay Friezel, kabilang pa sa mga suspek ay ang mga Pilipinong sina Chito Catalogo at tatlong iba pa.
Ang mga suspek ang itinuturong responsable sa pagpaslang sa mga biktimang sina: Anton Faustenhauser, may-ari ng 3-storey mansion, isang German national; kaibigan nitong Swiss national na si Manfred Shoeni at Briton na si John James Cowperthwaite gayundin ang katulong na si Erma Sarmiento.
Una rito, sinampahan ng kasong robbery with multiple homicide ng PNP Region 6 ang mga suspek sa sala ng 3rd Asst. Provincial Prosecutor Bienvenido Barrios ng Kalibo, Aklan.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay masusi nilang minomonitor ang galaw ng limang suspek upang ang mga ito ay hindi makatakas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest