^

Probinsiya

7 kidnaper na pumatay sa negosyante,timbog

-
CAMP CRAME – Bumagsak sa mga operatiba ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) ang pitong miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom (KFR) group na responsable sa brutal na pagpaslang sa mayamang negosyante noong Marso, 2004 sa Tuba, Benguet sa isinagawang serye ng operasyon sa Mountain Province kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina: Jefferson Ab-abor at Eddie Bagni na kapwa nasakote sa Brgy. Saklit, Sadanga; Delfin Palagpag at Jayson Linglingan; nalambat naman sa Bana-ao, Tadian at Cromwell Luke Flog, nalambat sa Poblacion, Bontoc; pawang sa lalawigan ng Mountain Province.

Sumunod namang nasabat sina: Raymond Dulaykan at Salvador Baday sa isinagawang follow-up operation dakong alas-10 ng umaga kahapon.

Sinabi ni Col. Danilo Servando, NAKTAF spokesman, ang mga suspek ay itinuturong responsable sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si Seril Loy na kinidnap sa kahabaan ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet.

Inamin ni Ab-abor na dinukot at pinaslang nila si Loy. Matapos na kumanta ang suspek ay agad namang nagsagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng NAKTAF at nasakote ang iba pa nitong kasamahan.

Magugunita na ang sinunog na bangkay ni Loy ay natagpuan matapos itapon sa kahabaan ng Km. 38 Halsema Highway sa Alok, Benguet.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng kidnaper. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BENGUET

CROMWELL LUKE FLOG

DANILO SERVANDO

DELFIN PALAGPAG

EDDIE BAGNI

HALSEMA HIGHWAY

JAYSON LINGLINGAN

JEFFERSON AB

JOY CANTOS

MOUNTAIN PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with