Selosan nauwi sa patayan
May 21, 2004 | 12:00am
SAN CARLOS CITY, Pangasinan Pinaniniwalaang matinding selosan na nauwi sa malagim na trahedya ang naganap sa magkasintahan na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang bawat isa sa loob ng simbahan na sakop ng Barangay Libas ng bayang ito noong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ni Senior Inspector Jimmy Agtarap, deputy police chief, ang mga biktimang nasawi na sina: Genoveva Magleo, 23, dalaga at residente ng Barangay Anando, San Carlos City at Juan Posadas Jr., 24, ng Barangay Libas sa nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sina: Posadas at Magleo ay dating magkasintahan. Bandang alas-8:30 ng umaga nang dumating sa loob ng Church of Christ si Posadas bago kinaladkad papasok ng kuwarto si Magleo na nooy nagtuturo ng musika sa mga miyembro ng choir.
Ilang minuto pa lamang ang nakalipas habang nasa loob ng kuwarto ang dalawa ay narinig ng mga tao sa labas ang apat na putok ng baril na umalingawngaw.
Dito na nabahala ang kapatid na lalaki ni Magleo na si Nardy na distrungkahin ang pintuan ng kuwarto at bumulaga sa kanilang paningin ang dating magkasintahang nakabulagta na dumadaloy ang dugo sa ulo.
Nadiskubre ng mga nagsisiyasat na pulisya ang home-made caliber .38 na may dalawang bala at sa lapag ay apat na basyo at computerized letter ni Posadas na naka-address sa kanyang mga kapatiran sa nasabing simbahan at isa pang sulat-kamay na liham.
Ayon sa pulisya, ang computerized letter ay naglalaman ng hinanakit ni Posadas sa kanilang pastor na si Sammy Batac na kanyang inakusahang sumira ng kanilang relasyon ni Magleo.
Nakasaad din sa sulat na humihingi ng kapatawaran si Posadas sa kanyang nagawa. Sa sulat-kamay ni Posadas, sinabi nito na "Patawarin nyo po ako. Si Sammy Batac ang sisihin dito, hindi ako. Instead reconcile na kami, nanghimasok siya sa relasyon namin at siniraan ako."
Sa inisyal na imbestigasyon, si Magleo ay nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng panga na lumagos sa bumbunan, samantalang si Posadas naman ay napuruhan sa kanang sentido na lumagos sa kaliwang bahagi ang ulo.
Humingi naman ng tulong ang pulisya sa Crime Laboratory sa Urdaneta City para sa ballistic at paraffin test. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest