Ang barangay Sicmil, Sioron at isa pang barangay sa nabanggit na bayan ang kasalukuyang minomonitor ng mga awtoridad sa anumang kaganapan.
Lahat ng komunikasyon at elektrisidad ay naputol, maging ang transportasyon patungo sa tatlong barangay ay hindi madaanan ng anumang sasakyan.
Wala pang ulat na may nasawi o sugatang residente sa tatlong barangay dahil na rin sa walang daanan ang grupo ng rescue team.
Aabot naman sa 9, 847 pasahero ng barko mula sa mga pantalan ng Tabaco, Pilar, Sorsogon, Matnog, Bulan, Masbate at Catanduanes ay na-stranded.
Aabot naman sa 416 pasahero ng mga pampasaherong bus ang stranded, samantalang aabot naman sa 107 pasahero ng trak at 13 katao na lulan ng maliliit na sasakyan ang nanatiling walang masakyan.
Inirekomenda na ni Civil Defense director Arnel Capili na isailalim ang Kabikulan sa state of calamity dahil sa bagyong "Dindo."
Pinaniniwalaan naman milyong halaga ng ari-arian at pananim ang napinsala sa walang humpay na buhos ng ulan sa buong lalawigan ng Bicol. (Ulat ni Ed Casulla)