Supporter ng kandidato tinodas

CAMP CRAME – Isang 48-anyos na supporter ng mayoralty bet ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ang sinasakyang ng biktima sa Barangay Poblacion, Monkayo, Compostella Valley kamakalawa. Idineklarang patay sa Montevista District Hospital ang biktimang si Henry Buduan, supporter ni Barangay Chairman Franco Tito, kumandidatong alkalde sa bayan ng Monkayo.

Base sa imbestigasyon, naitala ang krimen dakong alas-3 ng hapon makaraang ratratin ng dalawang nakamotorsiklo ang sasakyang paaandarin sana ng biktima. May teorya ang pulisya na puntirya si Tito ng mga killer kaya lamang ay himalang nakaligtas. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments