^

Probinsiya

Nanalong vice mayor itinumba

-
NUEVA ECIJA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki ang nanalong bise alkalde ng bayan ng General Natividad sa harap ng kanyang bakuran sa Barangay Poblacion, Gen. Natividad, dito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija PNP director, ang biktima na si newly elected vice mayor Joselito "Bong" Cruz y Jamlid, 44, ng partidong Bagong Lakas ng Nueva Ecija (Balane) at isang negosyante ng naturang lugar.

Ayon kay Palmera, hindi na umabot pa ng buhay ang biktima sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City, sanhi ng anim na tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-11 ng gabi, kamakalawa, ang biktima ay nakaupo sa loob ng kanyang bakuran at kausap ang isang lalaki na kapitbahay.

Ilang saglit lang ang lumipas, mula sa madilim na bahagi ng naturang lugar ay biglang lumitaw ang mga suspek at binati pa ang kapapanalong biktima ng, "Magandang gabi po vice."

Biglang pinagbabaril nang malapitan ng dalawang lalaki ang biktima. Agad na tumakas ang dalawang killer sakay ng berdeng van, na may plate number 401 (bineberipika pa ang mga letra).

Ayon kay P/Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng PIIB, wala pa silang nai-establisang motibo na may kagagawan sa insidente, ngunit malakas ang paniniwalang may kaugnayan sa politika ang pamamaslang. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)<

vuukle comment

AYON

BAGONG LAKAS

BARANGAY POBLACION

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

GENERAL NATIVIDAD

LUISITO PALMERA

NUEVA ECIJA

PREMIERE GENERAL HOSPITAL

RHODERICK ARMAMENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with