Poll massacre: 4 patay
May 13, 2004 | 12:00am
Apat-katao ang kumpirmadong napatay kabilang ang Comelec registrar makaraang salakayin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang munisipyo ng Jones, Isabela kamakalawa ng gabi.
Base sa panayam ng tatlong estasyon ng radyo kay Father Gerry Sabado, parish priest sa nabanggit na bayan, pasado alas-10 ng gabi nang lusubin ng mga armadong kalalakihan ang naturang munisipyo.
Hindi na nakaporma pa ang mga nagbabantay na pulis dahil sa sunud-sunod na putukan ang umalingawngaw na nagresulta sa pagkamatay ng Comelec registrar na nakilala lamang sa apelyidong Diaz, habang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng tatlo.
Matapos na ransakin ang loob ng naturang munisipyo ay pinuntirya naman sunugin ang hindi nabatid na bilang ng mga election returns at paraphernalia.
Nabatid na may lead na rin ang PNP at AFP kung sino ang nasa likod ng insidente bagaman, tumanggi munang magbigay ng detalye.
Sinabi naman ni Father Sabado, na isang botante ang nagbanta na may magaganap na karahasan sa naturang munisipyo kapag natalo ang kanyang kandidatong mayor.
Kasunod nito, sinalakay at sinunog naman ng mga armadong kalalakihan ang munisipyo ng San Mariano sa Isabela bago tinangay ang sampung ballot boxes.
Ayon sa ulat, napatay sa pakikipagbarilan si PO3 Manuel Artus at isang guro na hindi natukoy ang pangalan, samantalang sugatan naman si SPO3 Efren Tamang.
Dalawang anggulo ang masusing sinisilip ng mga awtoridad, una ay posibleng may kinalaman ang mga talunang kandidato at ang ikalawa ay posibleng pananabotahe ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA). (Ulat nina Mario Basco at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended