Kandidatong konsehal itinumba

NUEVA ECIJA – Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw mula sa baril ng dalawang hindi kilalang lalaki hanggang sa duguang bumulagta ang isang kandidatong konsehal habang ito ay nakikipag-inuman sa loob ng videoke bar na sakop ng Sitio Villa Pinili, Barangay Bantug, Science City of Muñoz kamakalawa. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Mauricio Corpuz, 49, may asawa at residente ng Barangay Bantug ng naturang lungsod. Si Corpuz na kumakandidato sa ikatlong termino bilang konsehal sa ilalim ng partido Bagong Lakas ay itinumba ng dalawang nakamotorsiklong lalaki. Bago maganap ang krimen ay nag-abot pa ng solicitation letter ang mga killer habang ang biktima ay masayang nakikipag-inuman ng alak, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments