Ayon kay Loida Domingo, misis ng biktimang pinatay na si Ariel Domingo, na ang kanyang mister ay pinagnakawan muna bago tinodas ng sariling caretaker na si Don-Don Francisco sa loob ng pag-aaring LMD garment factory sa 126 National Road, Garcia Compound ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa mga kapitbahay ng biktima na pagkatapos ng kaguluhan sa loob ng naturang pabrika ay namataan nila na lumabas ang suspek na duguan ang damit at nagmamadaling tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Itinanggi naman ng asawang si Loida na bakla ang kanyang mister; bagkus, pinatay sa saksak ng sariling caretaker ang biktima sa loob ng pabrika at hindi lover na naunang naiulat sa pahayagang ito.
Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang pulisya laban sa suspek para panagutan ang krimeng naganap. (Ulat ni Edwin Balasa)