Obrerong umawat sa gulo tinodas
IMUS, Cavite Binaril at napatay ang isang 19-anyos na obrero makaraang umawat sa gulo kamakalawa ng gabi sa Barangay Perez, Trece Martirez City, Cavite. Binawian ng buhay sa Mark James Hospital ang biktimang si Esmeraldo Calle Jr. matapos na tamaan ng bala ng baril sa dibdib. Hindi naman nakilala ang mga suspek dahil nagpulasan matapos na bumulagta ang biktima. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang mamataan ng biktima na ginugulpi ang kanyang kaibigan. Agad na lumapit ang biktima para awatin, subalit sinalubong siya ni Kamatayan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)