4 tiklo sa illegal fishing

CAMP AGUINALDO – Apat na dayuhan mula sa Malaysia ang dinakip ng mga tauhan ng Phil. Navy makaraang maaktuhang sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Jolo, Sulu, ayon sa ulat kahapon. Kasalukuyang nasa custody ng Phil. Coast Guard ang mga suspek na sina: Basri Bin Assit, 20; Side Bin Mide, 30; Muman Bin Salpuri, 20; Pantai Timor at Dion Bin Rahman, 26 na pawang residente ng Sabah Malaysia. Base sa ulat, ang apat na lulan ng bangkang-de-motor ay illegal na pumasok ng karagatang sakop ng bansa at naaktuhang nagsasagawa nang trawl fishing ng mga nagpapatrulyang Phil. Navy dakong alas-7 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments