^

Probinsiya

Anak ng gubernatorial candidate, 3 pa tiklo sa pot session

-
Camp Crame – Naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anak ng isang gubernatorial candidate at tatlo pang katao habang nagpa-pot session sa isinagawang raid sa Digos City, Davao del Sur noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido Jr. ang mga nahuli na sina Lee August Suario, 29-anyos, anak ni Atty. Leonardo Suario, tumatakbong gobernador sa ilalim ng partido ng Lakas-CMD; mag-asawang Lourdes at Dodong Peras at anak na 25 anyos na naaktuhang humihithit ng shabu sa bahay ng pamilya Peras sa Lapu-Lapu Ext. bandang alas 11 ng umaga.

Ang mga ito ay dinakip sa bisa ng search warrant na inisyu ni Regional Trial Court Branch 18 ng Digos City.

Nasamsam mula sa mga suspek ang ilang sachets ng shabu, drug paraphernalia at marijuana cigarettes.

Kinuwestiyon naman ni Suario ang pagkakahuli sa kanyang anak dahilan wala naman umanong nakuhang droga dito.

Kasalukuyan pang sumasailalim sa masusing interogasyon ang mga nahuling suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga ito. (Ulat ni Angie de la Cruz)

ANGIE

CAMP CRAME

DIGOS CITY

DODONG PERAS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ANSELMO AVENIDO JR.

LAPU-LAPU EXT

LEE AUGUST SUARIO

LEONARDO SUARIO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with