^

Probinsiya

Espiya ng militar nilikida ng mga rebelde

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 49-anyos na magsasaka na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya ang dinukot at pinatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang kinaladkad papalabas ng kanyang bahay ng mga kabataang rebelde ay nakilalang si Rogelio Layon, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Lumilitaw sa imbestigasyon, natutulog ang biktima sa loob ng sariling bahay nang pasukin ng mga rebelde dakong ala-1:30 ng hapon.

Itinali ang dalawang kamay bago kinaladkad ng may ilang metrong layo mula sa sariling bahay at pinaputukan ng may ilang ulit.

Bago pa maganap ang pamamaslang ay nakakatanggap na ng pagbabanta sa grupong maka-kaliwa ang biktima dahil sa pagiging espiya ng militar at pulisya.

Binalewala naman ng biktima ang banta ng mga rebelde hanggang sa maganap ang insidente. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY SAN RAFAEL

BINALEWALA

CASTILLA

ED CASULLA

ISANG

ITINALI

LEGAZPI CITY

LUMILITAW

NEW PEOPLE

ROGELIO LAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with