Utak Sa GenSan bombing timbog
April 28, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang itinuturong utak sa Filmart Mall bombing sa General Santos City noong Abril 21, 2002 makaraang salakayin ang pinagkukutaan nito sa Sitio Basak, Barangay Lumakil, Polomolok, South Cotabato noong Lunes ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Marivic Daray ng General Santos City Regional Trial Court Branch 53, hindi na nakapalag pa ang suspek na si Benjie Puntuan, alyas Commander Cobra, isa sa field commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ayon sa ulat, may ilang buwang nagtago si Puntuan at nagpapalipat-lipat ng kuta sa South Cotabato at Davao del Sur bago madakip. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest