24 sugatan sa sunog

ANTIPOLO CITY – Dalawampu’t apat na kawani ng pabrika ang iniulat na nasugatan sa naganap na P5-milyong sunog ng pabrika ng pigurin sa Barangay Dalig ng nasabing lungsod kamakalawa ng hapon. Ang mga biktimang ginagamot ngayon sa Unciano Medical Center ay pawang kawani ang Global Power na pag-aari ni Ian Van Harder sa M.L. Quezon Ext. ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang apoy sa packaging section at kumalat sa ilang drum ng kemikal kaya mabilis na nagliyab ang kalahating bahagi ng pabrika. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, na kasalukuyang nagpapahinga ang mga biktima ng biglang magliyab ang naturang lugar kaya nataranta at nagtulakan ang mga kawani para lamang nakalabas. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments