Pamilya niratrat: 1 patay, 4 grabe
April 24, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isa ang napatay habang apat naman ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga hindi kilalang armado ang bahay ng mga biktima sa Barangay Buracan, Dimasalang, Masbate kahapon ng umaga.
Napuruhan ang biktimang si Levy Banaag, 45, may asawa, magsasaka, samantalang isinugod naman sa Dimasalang District Hospital ang mga malubhang nasugatang sina: Maria Cecilia Banaag, 42; Liezl, 20; Lea, 16; at Samuel, 12 na pawang natutulog nang upakan ang bahay ng mga naka-bonnet na kalalakihan.
Naitala ng pulisya ang insidente dakong alas-5 ng umaga makaraang sumulpot at paligiran ang bahay ng pamilya Banaag ng mga maskaradong kalalakihang armado ng malalakas na kalibre ng baril.
Sa pag-aakalang napatay ang buong pamilya Banaag ay agad na nagsilisan patungo sa bahaging sakop ng Barangay Rizal ng nasabing bayan.
Ilang kapitbahay ang tumulong sa mga biktima para malapatan ng lunas sa naturang ospital.
May teorya naman ang pulisya na pawang nagmula sa ibat ibang lalawigan ang mga armadong kalalakihan dahil sa magkakaiba ang punto ng salita.
Naniniwala naman ang mga kapitbahay ng mga biktima na pawang private army ng politiko ang mga armadong lalaki na kalimitang nangha-harrass sa mga sumusuporta sa kalabang kandidato. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Jorge Hallare | 15 hours ago
Recommended