Lider ng gubernatorial bet, alalay nilikida
April 21, 2004 | 12:00am
LIGAO CITY Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante na pinaniniwalaang lider at finance officer ng gubernatorial bet ng mga hindi kilalang armadong lalaki at nadamay na tinodas ang alalay nito habang ang mga biktima ay nasa loob ng hardware sa Barangay Dinao, Ligao City, Albay kahapon ng umaga.
Anim na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Ruben Quililan, may asawa, trader at kilalang lider at finance officer ni Ligao City Mayor Fernando Gonzales na kumakandidatong gobernador ng Albay.
Samantalang si Jerry Lladones, alalay ni Ruben ay pinagbabaril din hanggang sa mapatay matapos na tulungan ang kanyang amo na si Ruben.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas-6:50 ng umaga habang ang mga biktima ay nakaupo sa loob ng pag-aaring hardware at harapan ng himpilan ng lokal na radyo sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman pa sa ulat na halos may 20 metro lamang ang layo mula sa Ligao City Hall ang pinangyarihan ng krimen.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Jaime Lasar, provincial director, gumamit ng baril na may silencer ng mga killer kaya hindi masyadong napansin ng mga kalapit na negosyo bago naglakad na animoy walang nangyari.
Sinabi naman ni Ligao City Mayor Gonzales, na ang krimen ay may bahid pulitika dahil walang kaaway ang mga biktima, maliban sa pagiging lider at finance officer sa kanyang kandidatura bilang gobernador ng Albay.
Sinisilip naman ng mga imbestigador may kaugnayan ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa naganap na krimen o kaya kalaban sa politika ni Mayor Gonzales. (Ulat nina Ed Casulla) at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am